Himno ng ERIS
Paaralang ERIS na minamahal
Sandigan ng mga mag-aaral
Natamong mga kasanayan
Ito’y laan sa kinabukasan
Mga guro’t punong-guro
Pati na ang mga magulang
Silang lahat pawang gabay
Sa paghubog ng wastong asal
Batang graduate ng ERIS
Dangal ng ating lipunan
Pawang lahat ay nagtagumpay
Ngayo’y lingkod na rin ng bayan
Alma Mater naming mahal
Ngayon, bukas, magpakailanman
Mga aral na natutunan
Itatanim sa isipan
Sulong sagisag ng tagumpay
Di maninimdim laging Tanglaw
Mabuhay, O Mabuhay
ERIS naming Paaralan
Lahat ng ito’y Sa’yo lamang iaalay
MARTSA NG MANDALUYONG
Oh Mandaluyong, giliw kong bayan
tungo sa kaunlaran
Ang iyong mithiin at pagsisikap
maganap ang iyong Pangarap
Na matiwasay at maligaya
Maunlad at maganda
Para sa'yo Oh Mandaluyong
Lahat kami'y tulong-tulong.
Kagitinga't kapurihan
Naming mamamayan
Iba't ibang larangan
Dulot karangalan.
Sa Mandaluyong aming bayan
Ang iyong makulay na kasaysayan
dangal at kagitingan,
Kaunlaran sana'y manatili
Sa tuwina'y aming mithi
Oh Mandaluyong
Ang iyong tagumpay
Luwalhati sa buhay
Para sa'yo Oh Mandaluyong
Lahat kami'y tulong-tulong.
NCR HYMN
I
Bayang mahal nating lahat
tampok ng NCR
pusod nitong ating bansa
dulot kaunlaran
II
Taas noong iwagayway
ang bandila ng NCR
karunungan at katarungan
sa bansa ay itanghal
III
Mga lunsod ng NCR
sa puso ko’y dangal
ang adhikain isulong
ang tanging NCR
Chorus:
NCR, NCR dangal nitong bayan
NCR, NCR dangal nitong bayan